Agatha News logo

BALITANG NEWS: ISANG LALAKI, UMAKYAT SA BILLBOARD DAHIL SA BROKEN HEART; TECHNICIAN LANG PALA NA BUMILI NG SNACK

The Burning News: A Man Climbed A Billboard Because of Broken Heart; Just A Technician Who Bought A Snack

By Agatha Yesha
July 7, 2026
2 min read
BALITANG NEWS: ISANG LALAKI, UMAKYAT SA BILLBOARD DAHIL SA BROKEN HEART; TECHNICIAN LANG PALA NA BUMILI NG SNACK
MANDALUYONG CITY — Nabalot ng matinding tensyon at kalituhan ang kahabaan ng EDSA kaninang hapon matapos iulat ng mga awtoridad ang isang umano’y tangkang pagpapakamatay ng isang lalaki sa tuktok ng isang dambuhalang billboard. Ayon sa mga paunang ulat mula sa mga nakasaksi sa lugar, nakita ang suspek na kinilalang si Dodong, 33 anyos, na tahimik na nakatambay sa taas ng bakal na istruktura habang nakatingin sa kawalan. Agad na nag-panic ang mga dumaraang motorista na naging sanhi ng napakahabang trapiko. Ayon sa panayam ng Balitang News sa isang saksi na ayaw magpakilala habang kumakain ng isaw sa tabi ng kalsada, brokenhearted umano ang lalaki. "Sabi niya kanina habang umaakyat, pagod na daw siya sa mundo. Gusto na raw niya matapos ang lahat. Nabaliw yata nung nalaman niyang pinalitan siya ng bago ng jowa niya," pahayag ng saksi na bawas ang katapatan sa katotohanan. Dahil dito, rumesponde ang mga reporter at rescue teams upang kumbinsihin ang lalaki na bumaba gamit ang mga megaphone at pangakong ililibre ito ng Jollibee. Ang Matinding Plot Twist Subalit, matapos ang halos limang oras ng negosasyon sa hangin, laking gulat ng mga awtoridad at ng field reporter nang biglang sumulpot si Dodong mula sa isang kalapit na convenience store habang may dalang plastic ng softdrinks at chichirya. Nang tanungin kung bakit ito bumaba nang hindi napapansin ng mga selyadong rescue team, lantarang itinanggi ni Dodong ang mga akusasyon ng pagpapakamatay at pusong sawi. "Ano bang pinagsasabi niyo? Umakyat ako dun sa billboard kasi ako 'yung technician! Nagpapalit ako ng bumbilya doon sa mukha ng endorser! Tapos naiwan ko 'yung pliers ko, kaya bumaba muna ako para bumili ng softdrinks at sundot-kulangot! At anong iniwan ng jowa? Single ako since birth, mga gago!" galit na pahayag ni Dodong sa media. Matapos ang insidente, agad na nag-disperse ang mga usisero. Ang ulat na ito ay walang patutunguhan, walang naitulong sa lipunan, at ganap na walang kuwenta. Ito ang Balitang News, ang balitang walang alam, at walang pakialam.